Sa halip ay pinayuhang na manahimik na lamang sa isang tabi.
Ito'y kasunod ng post ni Roxas sa Facebook kung saan iminungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte na harapin muna ang mga problema sa bansa gaya ng isyu sa bigas at magkaroon muna ng political ceasefire.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas mabuting manahimik na lang si Roxas dahil wala naman itong nagawa sa problema noon sa Leyte para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
“Hindi ko pa narinig ang kanyang sinasabi pero dahil sa kanyang karanasan doon sa Leyte ay mabuting manahimik na siyang muli,” sabi ni Roque.
Walang nagawa si Roxas para matulungan ang mga biktimi ng Yolanda noong 201.

Hindi rin umano naibigay ang mga permanenteng pabahay sa mga ito sa kabila ng mga dumagsang tulong mula sa international community na binigyang diin ni Roque.
“Dear Presidente Duterte.” yan ang panimulang bati ni Roxas sa kanyang post sa Facebook na hindi naman nito natural na ginagawa dahil bihirang tawagin ni Roxas na Presidente si Duterte matapos na matalo ito noong 2016 Presidential Elections.
“Matindi ang problema ng P50+/kg na bigas, at magiging mas matindi pa ito dahil sa damage ni Ompong. Magkaiba paningin natin sa maraming bagay pero sa tingin ko lahat ng Pilipino gustong malutas ang problemang ito. Kaya time out muna.” bungad ni Roxas kay Duterte.