Fingerprint scanning, planong gamitin sa midterm election 2019 laban sa mga flying voters; eh sa bilang ng boto?

Nakatakda nang magpakalat ang Commission on Elections (Comelec) ng Voter Registration Verification System o VRVS para sa darating na midterm elections 2019.

Ito umano ang gagamitin sa mga tutukuying pilot areas sa halalan ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez.

Nasa mahigit 32,000 VRVS umano ang planong ipapakalat ng Comelec sa polling precint kung saan hindi na umano kailangang magpakita pa ng ID ang mga botante sa mga election officers.

P1.16 billion naman ang nilaan ng gobyerno para sa planong ito.

Sa pamamagitan ng VRVS, dito matutukoy umano ang pagkakilanlan ng botante kung rehistrado o hindi sa pag-scan ng kanilang fingerprint at ayon kay Jimenez makakatulong din ang nasabing sistema laban sa mga flying voters.