Ito ay matapos magpalabas si Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 Judge Andres Soriano ng kautusan na ipagpaliban muna ang desisyon kaugnay nang pagpaplabas ng warrant of arrest at hold departure order hangga’t hindi pa nareresolba ang mga kwestyonableng dokumento tungkol sa amnestiya ng Senador.
Nagtakda naman si Soriano ng pagdinig sa October 5 tungkol sa pag resolba ng isyu kung nakapagsumite nga ba ang mambabatas ng application form para sa amnesty at kung mayroong admission of guilt sa ginawang paglabag nito.
Hihilingin naman ni Trillanes kay Soriano na ipatawag si Solicitor General Jose Calida upang iharap nito ang mga basehan para kanselahin ang kanyang amnesty.
Sa ngayon ay makapag papahinga muna si Trillanes matapos ang nasabing issue at ang pressure na idinulot nito sakanya.
“It’s a big relief not only for me but more importantly for the whole justice system, democratic institution na in-uphold ng isang Judge Soriano na despite all the pressures, tinindigan nya kung ano ang tama at nararapat sa proseso,” sabi ni Trillanes.
“At least on this day, our country won,” dagdag pa nito.