Minority senator, handang makulong kasama ni Trillanes


Todo ang ibinibigay na suporta ng mga miyembro ng minorya ng Senado para kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon pa sa mga ito, handa silang sumama kay Trillanes kahit pa sa loob ng kulungan.

Ito ang mga naging pahayg ni Senador Bam Aquino habang hinihintay ng mga kapwa niya senador ang resolusyon­ kung magbababa o hindi ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 kaugnay ng kasong kudeta laban kay Trillanes.

Ayon pa kay Bam, handang-handa na si Trillanes harapin ang desisyon ng korte.

“Sa chat group namin ng mino­rity senators, si Senator Trillanes pa ang hindi kinakabahan. Pero handa siya,” sabi ni Bam.

“Nakuha siguro natin lahat yung warning na baka lumabas ang bagong warrant kay Sen. Trillanes. Pero kami sa minorya, tingin ko lahat naman kami ay handa na makulong,” dagdag ni Bam.