Dumami ang krimen dahil sa 'Pangilinan Law'; Ilang Senador, sumugod sa Malacañang para i-repeal ito


Ilang mga senador ang sumugod sa Malakanyang na nais i-repeal o salungatin ang RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging pagpupulong niya kasama ang mga senador.

Kapansin-pansin naman na matapos ang pulong, binanatan ng Chief Executive si Pangilinan sa pagtatakda nito ng minimum age na 15-anyos para sa mga kabataang gumawa ng krimen na aniya’y talagang may kasalanan kung bakit dumami ang mga kriminal sa bansa.
Image result for pangilinan
Ayon pa sa Pangulo, hindi man lang nagsagawa ng pagsisiyasat at pag-aaral ang senador dahil maging ang Amerika na kinopyahan ng batas na ito ay ibinalik na ang parusa sa mga youth offenders.
Related image
Dagdag ng Pangulo na walang tiyak na paraan sa ilalim ng ‘Pangilinan Law’ para panagutin ang mga menor de edad.

Sa kabilang banda, sinabi ni Duterte na hindi na mananalo si Pangilinan sa 2019 midterm elections.
Image result for tito sotto
Nagpanukala naman ng Senate Bill 2026 si Senate President Vicente Sotto III upang amyendahan ang batas ni Pangilinan na nagnanais na ibaba sa 13-anyos ang minimum age para sa mga youth offenders.