Isa pang kasal na dinalaw ni Ompong, tuloy na tuloy pa rin!


SA kabila ng panana­lasa ng supertyphoon Ompong, hindi napigilan ang pag-iisang-dibdib ng dalawang nag-iibigan sa Cordon, Isabela.

Ang nasabing lugar ay kabilang sa isinailalim sa typhoon signal No. 4 bago pa man mag-landfall si ­Ompong noong Sabado ng madaling-araw.
Related Posts

Maraming kabahayan ang winasak ng bagyo sa lalawigan, kabilang na ang toldang ginawa para sa reception ng kasal nina Jasmine Apigo at Glenn Agapito sa Turod Sur, Cordon, Isabela pero hindi ito naging sagabal para ipagpaliban ang pag-­iisang-dibdib ng dalawa noong Sabado.

Ginamit pa ng dalawa ang nasirang tolda bilang abstract background ng kanilang wedding picture.

Nag-trending naman ang kanilang larawan nang i-post ito ng photographer na si Dondie Ariola at may caption na: “Kahit sampong Ompong pa ang dumating, kahit masira man ang dekorasyon, tuloy na tuloy pa rin.”