Kinantiyawan lamang ng MalacaƱang ang naging pahayag ni Sen. Antonio Trillanes na dadanasin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinagdadaanan niya ngayon.
Ito ay matapos na sabihin ni Trillanes na sana sinubaybayan ni Duterte 'yung proseso dahil gagawin at gagawin din niya umano ito. Yung i-book siya at aarestuhin siya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nanaginip lamang si Trillanes sa mga binitawang pahayag at hindi nito alam ang pinagsasabi.
Ayon kay Sec. Roque, malaki ang pagkakaiba ni Trillanes at Pangulong Duterte dahil abogado ito at naging piskal kaya alam ang kanyang ginagawa.
Una nang itinanggi ng MalacaƱang ang paratang ni Trillanes na ginigipit siya ng gobyerno matapos lumabas ang arrest warrant laban sa kanya.
Iginiit ni Sec. Roque na hinahayaan lamang ni Pangulong Duterte na gumulong ang hustisya sa bansa at iginigalang din nito kung anuman ang magiging desisyon ng hukuman.
“Well siya po siguro’y nananaginip ‘no. Ang pagkakaiba po nila, naging piskal po ang ating Presidente, abogado po ang ating Presidente; alam niya ang ginagawa niya, alam niya ang batas,” ani Sec. Roque.