Batay na rin sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na si Calida ang tumawag sa kanya at hiningi ang mga documents na may kinalaman sa amnestiya ni Trillanes.
Hiningi umano ni Calida ang certification na nag sasaad na hindi na makita ang application form ni Trillanes.
“May statement pa si Secretary Lorenzana na hiningi ni Calida ang dokumento ko. Kung meron mang nagtago, nagsira ng application document ko ay si Mr. Calida,” ayon kay Trillanes.
“‘Yun ang sinabi ni Secretary Lorenzana, hiningi ni Calida tapos nagpa-certify siya sa tao tapos nu’n nagpapirma siya na hindi na mahanap kasi nasa kanya na,” dagdag pa nito.
“Kung palalalimin ang imbestigasyon, malalaman ang ugat nito…kinuha, itinago, sinira,” patuloy na pag diin ng senador.
Hinamon naman ni Trillanes ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na manindigan sa tama at patotohanan na nag-apply siya ng amnestiya.
“Nananawagan ako sa AFP at DND particularly ‘yung J1, alam nila nag-apply ako. Alam nila na may dokumento. Alam nila ang katotohanan. Alam nila ang ginagawa sa akin is unjust and they are tolerating it, out of fear,” sabi ni Trillanes.
“Dapat magkaroon ng bayag itong AFP at DND leadership to say publicly na meron akong application form at mali ang contention. Kung titindig sila sa tama, matatapos ito, regardless kung galit sila (sa akin) on a personal level at magkakaiba man ang aming paninindigan,” dagdag pa ni Trillanes.