MSWD Officer in Charge Nanette Tanyag, tutukuyin umano nila ang eskwelahan ng mga batang estudyante at mag sasagawa ng imbestigasyon sa pamamagitan ng pag punta ng kanyang mga social workers upang maimbestigahan ang nasabing pangyayari at agad na ipapaalam sa pamunuan ng paaralan na mali ang naging trato nila sa kanilang mga mag-aaral.
Ayon pa kay Tanyag, hindi man lang kinonsidera ang kaligtasan ng mga estudyante bukod pa ang pagkakumbiyente ng mga ito sa loob ng sasakyan.
“Hindi tama yan, dahil parang ginawang bagahe yung mga estudyante na isiniksik na lang sa sasakyan. Hindi na nila kinonsidera ang safety nung mga bata. Paano kung mag-break yung sasakyan? Baka magkauntugan pa yung mga bata at magkasakitan pa sila dahil siksikan sila doon.” ayon kay Tanyag.
Narito ang nasabing video.