Vice President Leni Robredo has criticized President Rodrigo Duterte dahil sa pag aakusa nito sa Liberal Party ng mga masasamang gawain, kabilang na ang pag papatalsik o pag papabagsak sa Pangulo sa posisyon nito.
“‘Di ba alam naman nila na halos wala nang natira sa partido? Lahat na lumipat sa kanila eh. Kaya kapag sinabi nilang Liberal Party, sino iyong tinutukoy? Kasi ngayon, iyong Liberal Party mabibilang mo na lang sa kamay mo ‘di ba?” ayon kay robredo.
Sa isang interview sa Pangulo nitong Sabado (September 8, 2018), sinabi ni to na ang LP at CPP ay nakikipag tulungan kasama si Senator Antonio Trillanes IV para patalsikin siya sa kanyang pwesto bilang Pangulo.
“Tatlong ‘yan, bantayan ninyo. Iyang Yellow, Liberals, Trillanes, pati ang politburo,” aniya,
Sinabi naman ni Robredo na walang pinag kaiba ang sinabi ni Duterte sa pag akusa sa LP na may plano itong pabagsakin si Duterte at ang sinabi ng Pangulo na si United States President Donald Trump ang dapat sisihin kung bakit mataas ang inflation rate ngayon sa bansa .
“Lahat na pagkukulang ng pamahalaan, isisisi sa Liberal Party. Tingin natin hindi tama iyon,” Ayon kay Robredo.