NAGPAPARAMDAM na nga kaya si President Rodrigo Duterte pa ra sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanyang successor?
Nitong Biyernes (September 7) nag pahayag ng pag asa na maibabalik ni Sara ang magandang pakitungo ng mga tao sa kanya lalo na sa pag boto sakanya ng mga overseas Filipino workers (OFW) nitong nag daan na 2016 Presidential election na napag tagumpayan nito.
“I won here, 73 percent of you voted for me. So I will remember that for all time. And kung hindi ako makabayad ng utang ko sa inyo, I hope in little ways, si Inday, Mayor man, she might be in the future,” sabi ni President Duterte sa mga Filipino community in Jordan.
“Pwede man ninyong malapitan. Inday is good. Marunong ‘yan,” dagdag pa nito.
Bumuo naman si Sara ng kanyang sariling political party at ito ay ang HNP (Hugpong ng Pagbabago bago pa ang 2019 elections bilang pag hahanda.
Hindi naman umano tatakbo bilang senador si Sara sa 2019 ayon sa kanya kahit na siya ay nasa top 5 ng ginawang pre-election surveys na possible umanong manalo.