Sara Duterte, tatalunin si Grace Poe kung tatakbong Senador

Si Mayor ­‘Inday’ Sara Duterte-Carpio lamang ang maa­aring sumilat kay Senador Grace Poe sa pagiging topnotcher ng halalan sa pagka-senador sa 2019.

Ito ang paniniwala ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa naging survey na kung saan nag top si Poe.

Ayon pa kay Pimentel, hindi man kinukumbinsi ng PDP-Laban si Sara para sa senatorial elections ay may naka-reserbang slot para sa kanya.
Related image
“Ako nga ang personal opinion ko si (Mayor) Sara lang ang pwedeng makalaban kay (Sen) Grace (Poe) sa number 1. Wala pa kampanya, hindi pa siya announced na tatakbo eh nag-na-number 4 na. Siya lang ang may chance na makalaban ni Sen. Poe sa number 1,” ayon kay Pimentel sa panayam ng DWIZ.

Naniniwala rin si Pimentel na masyado pang maaga at marami pang maaring mabago sa survey sa sandaling matapos ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre 11-17.

Noong 2013 senatorial elections, ginulat ni Poe ang mga tulad nina Senador Loren Legarda at Francis ‘Chiz’ Escudero matapos na maging number one sa senatorial elections.

Maaaring maging topnotcher ulit si Poe sa darating na halalan, kung hindi niya makakabangga si Inday Sara.

Base sa September 1-7 survey ng Pulse Asia, nanatili si Poe sa number 1 sa nakuhang 70.1 percent.

Kasunod ni Poe sina Senador Cynthia Villar, Taguig Rep. Pia Caye­tano, Senador Nancy ­Binay at Mayor Sara.

Nasa ika-anim naman si Senador Sonny Angara, kasunod si Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, dating Senador Lito Lapid at dating Senador Serge OsmeƱa III.