‘Tigil na ang satsat’ Roque,hinamon si Trillanes

Hinamon Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Sabado si Sen. Antonio Trillanes IV na ipakita ang kanyang amnesty form.

Matapos na bawian ng  amnestiya si Trillanes dahil sa hindi umano ito nakasunod sa mga minimum requirements gaya ng actual na pag sulat sa application form at pag amin ng kasalanan.

"Ang dami po niyang pinapakita, ang dami niyang sinasabi, nasaan 'yung duly received application form niya? Kung nawawala, sabihin niyang nawawala pero hindi naman pwedeng sabihin niya na wala siyang kopya," pahayag ni Roque.

"Kung hindi mahanap 'yung kopya ng DND (Department of National Defense) ang dapat niyan pakita niya 'yung kopya niya kasi lahat naman 'yan kapag nag-file ka may received copy. So tigil na po ang satsat, nasaan yung duly received application form niya? Best evidence rule kapag nakasulat po 'yan, 'yung kasulatan ang ebidensiya." dagdag pa ni Roque.

" 'Yung pangalawang requirement ay 'yung pag-amin. So kung wala kang mapakitang application, wala rin 'yung second requisite na pag-amin kasi nandu'n 'yun sa form," sabi ni Roque.

Nauna nang sinabi ng DND na ang orihinal na kopya ng application form para sa kanyang amnestiya ay "nawawala".

Nitong nagdaan na Martes, nag pakita ng video si Trillanes sa mga Senador ng kanyang actual na pag sagot sa kanyang amnesty application form taliwas sa sinasabi umano ni Pangulong Duterte na dahilan kaya binawi ang kanyang amnestiya.

Pinakita rin ng Senador ang mga dokumento na nag sasaad na ang kanyang kasong coup d'etat at rebelyon ay parehong na dismissed na noong 2011.  Nagpakita rin ang senador ng mga dokumento na nag sasabing umalis na siya sa military service at hindi maaring arestuhin through military court order.