Father Noel Gatchalian, pina aalis sa pagiging pari


Pinahuhubaran ng abito ng MalacaƱang si Father Gatchalian, ang pari na nag dasal para magkasakit ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi gawang Kristiyano ang hangarin nito na sana magkasakit ang Pangulo.

Ito ang bwelta ng MalacaƱang para kay Gatchalian sa kanyang mga nasabi sa ginanap na misa sa loob ng  Senado para sa pray over ni Senator Trillanes para sa kanyang mga kaso.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakakahiya ang nabanggit na pari at makakasira sa kanilang samahan dahil hindi umano nito taglay ang dapat na karakter ng isang ala­gad ng simbahan alinsunod sa kanilang mga paniniwala.

Mas makabubuti umano na mag bitiw na lamang ito sa pagka-pari dahil hindi katanggap-tanggap na galing sa isang paring Katoliko ang naghahangad ng masama sa kanyang kapwa.

“Kakaiba po yan ga­ling sa isang pari. Hindi ko po alam kung ano ang pananampalataya ng paring ‘yan pero ang Kristiyano po hindi magdadasal para magkasakit ang isang tao. Nakakahiya ka Father, siguro po umalis ka na sa pagiging pari. It does not speak well of a christian faith,” ayon kay Roque.

Agad naman kumalat sa social media kontrobersiyal na pahayag ni Father Gat­chalian mula sa ho­mily nito sa misang inialay kay Senator Antonio Trillanes IV sa Senado kahapon kung saan na-record ito ng media at nakunan ng video.