Si US President Donald Trump ang sinisisi ni Philippine President Rodrigo Duterte na may dahilan kung bakit tumataas ang inflation rate sa Pilipinas.
Nitong Agosto ,ang inflation rate ay naitala ang 6.4%, pinakamataas sa loob ng nakalipas na siyam na taon, at lagpas sa inaasahan na 4.7% sa nakalipas na tatlong buwan.
Ito ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino community sa pakanyang pag bisita sa Jordan na ang ipinatupad ni Trurmp na tariff ban sa ilang mga ini-import na bagay ang nagpataas sa inflation kaya gumagawa na ng mga paraan at hakbang ang gobyerno para makontrol ito sa tuluyang pag lobo.
“Inflation is…dahil kay Trump yan. When Trump raised the…’yung mga tariff niya pati banned other items, nagkaloko-loko ang (inflation rate),”sabi ni Pangulo Duterte.
Dagdag pa ng Pangulo, hindi siya hihingi ng apology dahil sinisikap ng Philipine Government na makontrol ang posible pang pagtaas ng inflation.
” I am not apologizing . There is really inflation in the Philippines and we are trying to control it,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Naunang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na ang inflation ay bunsod ng mataas na presyuhan sa produktong petrolyo, kasama na rin dito ang presyo sa bigas, isda, karne, manok at gulay.