Nakasaad ito sa Resolution Number 10419 na pirmado ng lima mula sa pitong myembro ng Comelec en banc.
Ayon sa resolusyon, ang pagpili sa 25% threshold ay para matiyak na walang masasayang na boto at wala ring boto na mabibilang dahil kapos sa shading.
Ang Optical Scanning technology o mga vote counting machine na binili mula sa Smartmatic ang gagamitin umano sa pagtukoy kung nakatalima ba sa threshold ang pagkakaitim sa oval para sa bawat kandidato.
Magkagayunman, nananatili pa rin ang bilin ng Comelec na itiman nang buo ang mga oval sa balota.