Agawan ng Credits sa pag Suspende sa excise tax sa mga produktong petrolyo, Para Bumango at Manalo?

Kanyan-kanya ng agawan ang mayorya at minorya ng Senado tungkol sa desisyon ng MalacaƱang para sa susunod na taon (2019) na suspendehin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa pahayag ng majority bloc sa ­pa­ngunguna ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, ang kanilang sulat na ­ipinarating umano sa MalacaƱang noong ­Oktubre 9 ang isa sa dahilan ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“That is the reason PRRD decided to suspend excise tax,” ani Sotto.
Ayon naman kay Senate Majority Leader Migz Zubiri na sa kanilang emergency meeting sa Pangulong Duterte noong Oktubre 8 ay nata­lakay nila ang suspensyon ng 2nd tranche ng excise tax.

Giit naman ni Senador Bam Aquino, maituturing na panalo ng boses ng oposisyon ang desisyon na ito Pangulo.

“Panalo ang pamilyang Pilipino sa pagsuspende ng dagdag-buwis sa gasolina, diesel at iba pang produktong petrolyo sa Enero,” sabi ni ­Aquino.

“Patunay din ito sa halaga ng pagkakaroon ng magkakaibang boses sa gobyerno – pati na ang minorya o oposisyon. Mahalagang pakinggan ang iba’t ibang panig na mayroong solusyon sa problema ng bayan,” diin pa ng senador.

Tinukoy ni Aquino ang inihaing joint resolution ng minority bloc sa Senado na nananawagan para sa suspensyon ng excise tax at pagbawi sa ipinataw na dagdag na buwis ­ngayong taon sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.