RIGHT THING TO DO, Pag bitiw ni Jimenez bilang focal person sa source code review

Nagbitiw si COMELEC Spokesman James Jimenez bilang focal person o nangangasiwa sa local source code review committee.

Ang kanyang pag bitiw ay nangyari matapos ang pangyayari noong Sabado sa De La Salle University kung saan nagsagawa ng review ang COMELEC ng source code na gagamitin sa eleksyon 2019.

Ayon sa kuwento ni Jimenez, inappropriate ang paglabas ng larawan ng isang artistang babae na naka bathing suit sa pagitan ng presentasyon.
Bagama’t walang bastos o hindi maganda sa larawan, makakaapekto aniya ito sa pagnanais nilang gawin na seryoso at may integridad ang proseso kaya't nag desisyon si Jimenez na mag bitiw.