Alejano to Duterte: Malubha ang sakit kaya naka mask sa Hongkong


Inalmahan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang biglaang paglipad ni Pangulong Rodrigo Duterte patungong Hong Kong nitong weekend.

Ayon kay Alejano, naiintindihan niya na kailangan din magpahinga at magbakasyon Pangulo, ngunit nakababahala umano ito na umaalis nang hindi alam ng taumbayan.

Bukod sa walang pormal na anunsyo ay hindi rin anya malinaw kung nagtalaga ito ng officer-in-charge habang wala siya sa bansa.
“Maski ang official spokesman na si Sec. Roque ay walang alam sa kinaroroonan ng Pangulo. Kung may emergency na nangyari ay wala pala ang Pangulo. Seguridad ng bansa ang nakataya dito na hindi dapat isinasantabi ng MalacanaƱang,” sabi ni Alejano.

Maliwanag din sa naglabasang pictures na naka-mask ang Pangulo na ito umano ay indikasyon na talagang may malubhang sakit ang Pangulo at iniiwasang maimpeksiyon.

Duda si Alejano na ang mask ay para lang itago ang mukha o hindi makilala ang pangulo habang namamasyal sa Hongkong. Dahil aniya, kilala naman ang mga kasama nito gaya ng partner na si Honeylet, anak na si Kitty at si Special Assistant to the President na si Bong Go.

“Muli, nanawagan ako sa MalacaƱang na isapubliko ang tunay na estado ng kalusugan ng pangulo. Nais natin na malusog siya at nasa tamang kondisyon at pag-iisip upang maharap niya ang samu’t saring problema na kinakaharap ng bansa ngayon,” daing ni Alejano.