FAKE NEWS ALERT!..hindi pinaboran ang 25% shading threshold


Vice President Leni Robredo, lumalakas umano ang tiwala sa kanya ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Third Quarter Survey ng Pulse Asia, nakitang lumakas ang suporta ng pinakamahihirap na Pilipino kay Robredo.
Mula 50 percent noong Hunyo 2018, umarangkada ito ng 16 percent, at nasa 66 percent na nitong Setyembre 2018.

Umangat rin ang tiwala ng mga taga-Class ABC sa Pangalawang Pangulo nang 9 percent, at nasa 41 percent na nitong Third Quarter. Kasama pa nito ang bilib nila sa performance ni Robredo, na nagtala ng 12 percent na pagtaas, patungong 53 percent sa Setyembre 2018.

Malaki ang paglundag na ito ng ratings ni Robredo, na nananatili pa rin sa 56 percent trust ratings overall, kumpara sa pagsadsad ng tiwala ng masa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumulusok pababa sa 72 percent ang overall trust ratings ng Pa­ngulo—kabawasan ng 15 percent. Mula rito, bumaba ang tiwala sa kanya ng lahat ng mi­yembro ng iba’t ibang social classes, lalo na sa Class D, kung saan siya nagtala ng pagbaba nang 16 percent, patu­ngong 71 percent. Nabawasan rin ang tiwala ng mga pinakamahihirap na Pinoy kay Duterte nang 12 percent.

Tila nawawalan rin umano ang bilib ng mga Pilipino kay Duterte sa pagbagsak ng kanyang performance ratings sa lahat ng social classes.

Lumabas ang pag-angat ni Robredo sa survey sa parehong linggo na ibinaba ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang desisyon nito ukol sa isyu ng shading threshold, para sa recount kaugnay ng electoral protest na isinampa ni Bongbong Marcos laban sa Pangalawang Pangulo.

Pinaburan ng nasabing pasya ang kampo ni Robredo, nang kila­lanin ng PET na 25 percent threshold ang ginamit ng Comelec noong nakaraang eleksyon.

Ayon kay dating Comelec commissioner Gregorio Larrazabal, pinagtitibay lamang ng desisyong ito ng PET na 25 percent ang threshold na ginamit noong 2016 elections.

SOURCE: ABANTE