Wala ang sinasabing mga Chinese, Bertiz ‘clearly’ broke security protocol


Maliwanag na sinuway ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz ang security protocols ng NAIA Airport matapos nitong hindi hubarin ang kanyang sapatos base sa ginawang pag iimbistiga at pag-aaral ng Office of Transportation Security (OTS) nitong Lunes (October 1) sa pangyayari na kinasangkutang ni Bertiz hanggang sa umabot sa pag snatch ng ID ng isa sa mga Security Personel noong  Sabado (Sept. 29)

“Based on the video, there was a breach of protocol. Ang linaw naman eh (That was very clear),” ayon kay OTS Administrator Art Evangelista sa isang briefing nitong Lunes.

“Meron tayong Republic Act 6235, kaya ka bumibili ng ticket (kasi) may kontrata ka sa airline. Ang airline sasabihin niya heto bigyan kita ng ticket pero kapag pumasok ka ng airport sasakay ka ng eroplano, dapat magpa-search ka pati bagahe mo,” dagdag pa nito.

Nagtakda ang NAIA official noong sabado ng Security Condition Level 2 na nag re-require sa mga pasahero na tanggalin ang kanilang mga sapatos during inspection.

Mayroong tatlong security condition levels ang ipinatutupad sa mga airports across the country:

Security Condition Level 1 means regular security inspection which does not require taking off the shoes of passengers; and Security Condition Level 2, meanwhile, require shoes be taken off for inspection while Level 3 is airport lockdown.

“Kapag nalaman ng counterparts natin gaya ng UK, Canada at China na hindi pinatanggal ang sapatos ng pasahero doon sa final checkpoint, hindi na nila tatanggapin ang flights natin at hindi na rin sila magpapadala ng flights sa atin,” dagdag ni Evangelista.

Ayon kay Bertiz, kinausap nito ang security personnel dahil nakita niya ang grupo ng mga Chinese-looking passengers na hindi dumaan sa inspection.

“Ni-review ko yung sinasabi niya (Rep. Bertiz) on the incident. Wala yung mga Chinese na sinasabi niya,”ayon kay Evangelista.

Aniya, hindi rin exempt o may immunity ang sino man sa pag sasailalaim sa security checks kahit pa mayroon itong security ID.

“Having an ID is just a privilege; kahit na may ID ka at dumaan ka sa security inspection obligado ka na magtanggal ng sapatos,” ani Evangelista.
Pinag iisipan naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang desisyon na i-revoked ang security ID ni Bertiz.