Ayon kay Pulong, muling napatunayan na lahat ng mga sinasabi umano ni Trillanes laban sa kanya ay pawang mga produkto ng guniguni, tsismis at kasinungalingan.
Nagbabala na umano si Duterte noon na hindi dapat paniwalaan ang mga sinasabi ni Trillanes dahil eksperto umano ito sa pagsisinungaling at paghabi ng tsismis at kuwentong mapanira.
Naapektohan na nito ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang mga anak.
Isang bagay lamang umano sa ngayon ang maliwanag at ito ay ang pagka-tsismoso ng nasabing senador.
Ang masama pa dito ay ang mismong senador ang naniniwala sa sariling tsismis at ang akala niya ay kaya niyang linlangin ang lahat.
Masaya umano si Pulong dahil unti-unti nang lumalabas ang katotohanan.
Gayunman, patuloy umano niyang hahabulin si Trillanes para pagbayarin paninira sa kanya at kanyang buong pamilya.