Masamang damo si Duterte, ayon kay Trillanes


Nag pahayag ng mensahe si Pangulong Duterte gamit ang Social media apps upang maka pag live at makita ng kanyang mga taga suporta na mabuti ang kanyang kalagayan.

Ito ay bilang patunay na mabuti ang kanyang kalusugan at hindi siya na coma taliwas sa sinasabi ni Joma Sison sa kanyang pahayag.

Bwelta naman ng Pangulo kay Sison, tinatanggihan na aniya si Sison ng mga Hospital sa Netherland sa kadahilanang hindi pag babayad.

Ayon naman kay Sison ito ay kanyang ikinatutuwa sa gayun ay mapanagutan ang mga krimen na nagawa, ngunit kanyang napansin na pagod ang Pangulo, bagsak ang mata na mukhang kagagaling lang nito sa dialysis.

Banat naman ng anak ng Pangulo na si Mayor Sara Duterte na baka care taker nalang ni Joma ang nag popost at sa tingin niya na sa susunod ay sasabihin na nito na alien nalang ang kanyang ama.


Ayon naman kay Former President Noynoy Aquino, nauunawan niya ang pagod na nararamdaman ng pangulo dahil lubhang nakakapagod naman daw talaga sa MalacaƱang.

Tingin naman ni Senator Trillanes, naniniwala siya na magiging mahaba pa ang buhay ng pangulo dahil ito ay masamang damo.