Noy Aquino, umaasa na susundin ni President Duterte ang Constitutional Succession


Nag bigay ng pahayag si Former President Benigno Aquino III nitong Martes na siya ay umaasang na susundin ni President Rodrigo Duterte ang Constitution sa issue of succession matapos nitong sabihin na ayaw niyang si Vice President Leni Robredo ang papalit sakanya kung sakaling ito ay mag resign.

"Kung aalis siya [sa puwesto], sino ba ang uupo bilang chief executive ng ating bansa? Ano ang mandato ng Constitution,” ito ang pahayag ni Aquino sa mga reporters during the commemoration of the 35th death anniversary ng kanyang Ama, the late Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Paulit-ulit na sinabi ni President Duterte na gusto na niyang mag resign ngunit ayaw niya na si Robredo ang papalit, dahil hindi kaya nitong pamunuan ang bansa..

Sinabi rin ng pangulo na ang gusto niyang pumalit sakanya ay si Bong Bong Marcos, siya rin ay baba s pwesto pag nanalo si Marcos sa kanyang protesta laban kay Robredo

"Sana 'yung Chief Executive na nagpapatupad ng lahat ng ating batas, isa na ang Saligang Batas, ang magsabi ng constitutional succession. Iwan na lang dun, kesa iwan sa personalities," ayon kay Aquino.

Nanniniwala naman si Aquino at kumpyansa na kaya ni Robredo na pamunuan ang bansa, adding those who voted for her in 2016 share his opinion.

"I'm very confident that she can [lead the country] and siguro more importantly, imbes na opinyon ko, ‘yung opinyon ng bumoto sa kanya. Sa sistema natin, ang karapatan ay nagmumula sa mandatong ipinagkakaloob sa atin ng malayang nagdedesisyong mga Filipino,” Aquino said.

“So ‘yun ang desisyon ng taumbayan, sabi ko nga noon pa ang boss ko ang taumbayan. Ano ang karapatan kong suwagin o kontrahin ang desiyon ng grupong may karapatang magbigay ng mandato,” former President added.