Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang masusing imbestigasyon sa kontrobersiyal na kinasasangkutan ni ACTS-OFW Rep. John Bertiz.
Nangangalap na ngayon ang DOTr ng karagdagang ebidensiya at agad nila itong titignan at pag-aaralan kung may nalabag bang batas o protocol ang mambabatas.
Sa nag-viral na kuha ng CCTV (closed-circuit television) footage, makikita na hindi naghubad ng sapatos ang mambabatas kaya ito ay sinita ng security personnel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Hindi umano kompleto ang video dahil ito raw ay “spliced” at edited ayon kay Bertiz.
Kasabay nito, ang kanyang pagkuwestiyon sa NAIA sa paglalabas ng CCTV ukol sa seguridad.
Matapos mapanood ng Netizen ang nasabing video, iba-ibang kumento ang natanggap nito at humingi naman siya ng paumanhin dahil sa iginawi niya bilang isang government official.
Nagpapasalamat naman siya na kahit naging viral ang video ay hindi isyu sa korupsyon ang kanyang kinasanakutan.
Twisted story, nabiktima lang: "Hinala ko na ginawa ito para hindi ko masita ang NAIA staff na pinalusot ang mga Tsino ng walang security check." ayon pa kay Bertiz