Nitong Lunes(October 1) sa Facebook, pinaalalahan ni Go ang mga government officials na maging huwaran at isang magandang halimbawa sa iba at gawin ang trabaho para pagsilbihan ang publiko.
Ibinida rin ni Go na kahit silang dalawa ng Pangulong Duterte ay palaging sumusunod sa mga rules, kahit noong nasa Davao pa sila.
“As government officials, we were never exempted from adhering to such. In fact, the President himself will not ask us to be spared from yielding to authority and respecting the law,” sabi ni Go.
Kahit kaibigan naman niya itong si Bertiz, hindi niya kontralado ang pananalita at galaw nito.
“Siya na po ang mag-explain kung ano talaga ang tunay na nangyari doon sa video na nag-viral. Maging leksyon sana ito sa lahat ng nasa gobyerno,” ani Go.
Makikita sa nasabing video na hinablot pa ni Bertiz ang ID ng security officer's.
Humingi naman ng kapatawaran si Bertiz sa kanyang inasal habang iginigiit na ginaya nya umano ang mga “Chinese-looking” persons na nauna sakanya sa airport na hindi nag hubad ng kanilang sapartos.