Suportado ni Senador Cynthia Villar ang ipinaglalaban ni Senador Antonio Trillanes IV sa kinahaharap nito tungko sa pag bawi ng amnesty nito na pinag uutos ng Pangulo, subalit natatakot ito na magladlad ng posisyon sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng senador.
Inamin mismo ni Trillanes sa media ang suporta na ito nitong Miyerkoles, kung ano ang nagawa ng Nacionalista Party (NP) ni Villar para sa kanya habang siya umano ay ginigipit ng Duterte Administration.
Naging kasapi ng NP noong 2012 si Trillanes, isang taon bago ang 2013 midterm elections kung saan tumakbo ang senador.
“Hindi lang siguro publicly lumalabas, but tumutulong ang Nacionalista Party leadership,” pahayag ni Trillanes.
Martes nang gabi, matapos lumabas ang Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumabawi sa amnesty ng senador at ipag-utos ang pag-aresto dito, dinalaw ni Villar si Trillanes sa tanggapan ng senador.
Sinabi lamang na nung una na suportado at ang huli ay ang buong miyembro ng Senado. Ito ay kinumpirma mismo kay Villar sa mga sinabi nito kay Trillanes,
Palihim na suportado ng NP ang Senador at ang hayagan lang na sumusuporta dito ay ang Liberal Party(LP).